Mary Jane Veloso balik Pinas na! – PBBM

Mary Jane Veloso / via ABSCBN NEWS

Makauuwi na ng Pilipinas ang Overseas Filipina worker na si Mary Jane Veloso na una nang nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang mahigit isang dekadang pakikipag-usao at apela sa pamahalaan ng Indonesia ay pinagbigyan ang Pilipinas.

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto dahil sa kabutihan nito.

“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their *goodwill*. This outcome is a reflection of the depth our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to *justice* and *compassion,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang ng Indonesia ay salamain ng malalim na ugnayan ng dalawang bansa bilang magkaalyadong nasyon at nagkakaisa sa layunin para sa katarungan at malasakit.

Idinagdag din ng Pangulo na ang kwento ni Veloso ay tumatagos sa puso ng marami na isang ina na naipit sa kahirapan na gumawa ng isang desperadong desisyon na nagbago sa takbo ng kanyang buhay.

At bagamat pinapanagot aniya si Maryjane Veloso sa ilalim ng batas ng Indonesia, sinabi ng Pangulo na nananatili siyang biktima ng sirkumstansiya.

Taong 2010 nang maaresto si Veloso dahil sa pagdadala ng mahigit dalawang kilo ng cociane sa Indonesia.

“Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home,” pahayag ni Pangulong Marcos.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started