
Dismayado ang maraming fans ni Nadine Lustre matapos mag-promote ang aktres sa kanyang social media platform ng sugal.
Sa kanyang Facebook post nitong Nobyembre 16, makikita si Nadine na hawak ang kanyang cellphone habang ini-endorse sa madla ang Big Win 29 na isang online gambling app.
Sey tuloy ng kanyang fans: “The bills cannot be that high, Nadine 😭”
Hindi rin napigilang isumbat ng ilang netizens kay Nadine ang pagiging mental health advocate nito habang nagpo-promote ng sugal na isa sa mga dahilan ng mental health issues sa bansa.
“Nadine. Look at me. This is not you 😔”
“Wow naka hanap na kayo nang matinong endorser at dahil dyan mag susugal na ako para matulongan ko aking pamilya , thank you maam nadine sa pag e endors 💖.”
“Diva down 😔😔.”
“uh so this is very low vibrational of you girlie”
“Promote ng karne❌😤😡
Promote ng sugal ✅✅✅✅”
Nagpaalala naman ang ilang netizens na bagama’t nag-endorse si Nadine ng sugal, dapat na maging matalino ang tao kung paano gastahin ang kanilang pera.
“The only winning move in gambling is not to play. Protect your finances, family, and future,” saad ng isang netizen sa comment section ng post ni Nadine.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment