Sue Ramirez, Dominic Roque ‘spotted’ na nagtutukaan

Spotted ng mga netizen na naghahalikan sa isang bar sina Sue Ramirez at Dominic Roque kamakailan.

Sa isang video na kumakalat sa social media, mapapanood na nagkakasiyahan ang dalawa kasama ang kanilang mga kaibigan.

Maya-maya pa, makikita na hinawakan ni Sue ang mukha ng aktor pagkatapos ay naghalikan na ito.

Ayon sa mga netizen, nangyari ang pagki-kiss ng dalawa sa isang bar sa General Luna, Siargao.

Nitong nakaraan lang ay nag-post si Sue ng larawan na kuha sa Lamari, Siargao.

At noong Nobyembre 7 lang ay nasa isang resort naman si Dominic sa General Luna, Siargao.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started