Rendon Labador nagkomento kay Diwata sa pag kagat ng tuyo

Rendon Labador and Diwata

May patutsada ang social media personality na si Rendon Labador laban kay Diwata sa larawan nito na kumakain ng tuyo.

Matatandaang tumatakbo si Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Partylist sa 2025 elections.

Hirit naman ni Rendon, hindi kakagatin ng publiko ang mga paandar ni Diwata para makakuha ng boto.



Sa viral Facebook post, makikitang may kagat na tuyo si Diwata, kalakip ang caption na “Diwata, hindi maarte dahil kumakain ng tuyo.”

Ni-repost ito ni Rendon sa kanyang Facebook page at binanatan si Diwata.

Ani Rendon, “Diwata, akala mo ba mananalo ka sa pag kagat-kagat lang ng tuyo? Saan kaya napulot ni Diwata campaign manager niya.” (IS)






THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started