Driver ng SUV na mag plate number 7,Sumuko na

Sumuko na sa Land Transportation Office ang drayber ng SUV na may pekeng plate number 7 na dumaan sa EDSA Busway.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Attorney Vigor Mendoza, nakilala ang drayber ng SUV na si Angelo Edpan.

Ayon kay Mendoza, naka-rehistro ang saasakyan sa Orient Pacific Corporation.

Agad naman na humingi ng paumanhin si Edpan sa ginawang kasalanan.

“Ako po ay nagkasala sa paglabag sa regulasyon na pumasok po ako sa EDSA [Busway]… Ako po ay humihingi ng pasensya… Hindi ko po ninais na makasakit sa enforcer na pumara sa akin,” pahayag ni Edpan.

Nangako naman ang pamunuan ng Orient Pacific Corporation na makikipagtulungan ang kanilang hanay sa imbestigasyon ng LTO.

Tanging ang mga senador lamang gumagamit ng plakang may numerong 7.

#ThinkedTV #NationalNews

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started