Pagtawid ng mga produkto sa balatan, Camarines Sur ginamitan na ng zip line.

Photo courtesy of ABS-CBN News

CAMARINES SUR- Pahirapan pa rin ang pagtawid sa kalsada ng Barangay Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur matapos ang landslide dulot ng Bagyong Kristine.

Nagset up na ng zip line ang ilang mga residente upang maitawid ang mga produkto lalo na ang mabigat tulad ng bigas, hindi pa kasi tapos ang clearing operations. Nakaharang pa sa daraanan ang makapal na volume ng lupa, madulas na rin ang putik.



Ayon kay Department of Public Works and Highways 5th Engineering District Spokesperson Engr. Aris Hermoso, nakipag-ugnayan na sila sa iba pang mga district offices upang matulungan sa mga gamit.


Sa hanay naman ng LGU, binanggit ni Coun. Robert Saysay na gumawa na lamang ng paraan upang makapag relief operations sa mga coastal barangays.

Photo of ABS-CBN news
THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started