GSIS, Binuksan ang Emergency Loan program

GSIS File photos



Nagbukas na ng emergency loan program ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro at pensioner nitong apektado ng Bagyong Kristine.

Sabi ng GSIS, nauna na itong binuksan sa mga taga-Albay at Naga City at handa ang GSIS buksan ito sa iba pang mga lugar na magdedeklara ng state of calamity.

Nanawagan din si GSIS President at General Manager Wick Veloso sa mga miyembro at pensioner na gamitin ang GSIS Touch para sa mas ligtas at mas madaling pagsumite ng mga loan application at insurance payment, pati na rin sa pag-access ng membership at pension records.

Ang mga miyembrong walang kasalukuyang binabayarang emergency loan ay makauutang ng hanggang P20,000 samantalang ang mga may balanse pa sa dating utang ay maaaring pa ring umutang ng hanggang maging P40,000 ang kanilang balanse. Ang interes sa utang ay 6% at mababayaran ang utang sa loob ng 3 taon.

Para maging kuwalipikado sa pag-apply ng emergency loan, kailangang nagtratrabaho pa sila at hindi naka-leave without pay at walang pending na administrative o legal na mga kaso. Kailangan ding bayad ang anim na buwang premium nila at ang net take-home pay nila ay umaabot ng P5,000. Para sa mga pensioners, kailangang may kukubrahin pa rin silang 25% ng kanilang pensiyon kahit isama ang loan amortization.

#ThinkedTV

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started