Isang dating guro sa Iloilo, hinampas ng Dumbell ang mister.

Photo courtesy: Zarraga News Live (Screenshots)

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang mister mula sa sariling asawa. Ang biktima ay natagpuan na wala nang buhay habang duguan na nakahiga sa sofa na pinagpahingahan.


Ang biktima ay kinilalang si Eduard Motas, isang retired engineer.


Mismong ang babae o misis ng pumanaw na lalaki ang tumawag ng pulis upang ireport ang pangyayari. Ayon sa misis na nagngangalang Mary Joy Bestidas, dating guro sa Baranggay Poblacion, Iloilo, nagawa niyang hampasin sa ulo ang asawa gamit ang dumbbell dahil sa bulong na narinig.


May narinig umanong udyok ang babae sa pamamagitan na ‘bulong’ kaya niya nagawang saktan ang sariling asawa habang nagpapahinga sa kanilang sala. Mismong sa ulo pinatamaan ng suspek ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagpanaw.


Base sa report ng Zarraga Bews LIVE Station, nakadetain na ang 60-year old suspek sa istasyon ng pulisya at pinag-iisipan pa umano ng mga kaanak kung dapat itong sampahan ng kaso.

Napag-alaman na walang anak ang mag-asawa at dalawa lamang silang naninirahan sa kanilang tahanan nang mangyari ang krimen.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started