Tataas muli ng 2 hanggang 2.65 kada litro ang presyo ng langis sa susunod na linggo

Ayon kay Rodela Romero, director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, posibleng pumalo ang presyo ng gasolina sa pagitan ng P2 hanggang P2.30 habang P2.35 hanggang P2.65 kada litro naman sa presyo ng diesel.

Aakyat din ang presyo ng kerosene o gaas mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro.


Una nang nagpahayag ang Jetti Petroleum na posibleng tumaas ang kanilang presyo ng diesel ng P2.70 kada litro at gasolina ng P2.50.

Nitong nakaraang linggo, naitala ang oil price hike sa diese at kerosene na P1.20 at 70 sentimo.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started