
Inilahad ni Kerwin Espinosa sa pagdinig ng House Quad-Committee na inutusan siya noong 2016 ni dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na idiin sa Illegal Drug Trade sina dating Senator Leila De Lima at Peter Lim.
Ayon kay Espinosa, ibinigay sa kanya ni Dela Rosa ang direktiba kasunod pagkakapaslang sa kanyang ama.
Aniya, sinundo siya ni Dela Rosa mula sa paliparan, matapos mapatay ang kanyang tatay na si dating Albuera, Letye Mayor Rolando Espinosa Sr. noong November 5, 2016 – na itinuturing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drug trade.
Nasa Malaysia noon ang nakababatang Espinosa nang mangyari ang pagpatay sa alkalde.
Sinabi ni Kerwin, pumasok sila ni Dela Rosa at iba pang police officers sa isang bullet-proof na sasakyan matapos siyang bumaba mula eroplano.
“Nu’ng sumakay na kaming lahat, si General Bato nasa front seat. Ako ay nasa likod. Pinagitnaan ako ng dalawang mga pulis, at sinabihan nya ako na ‘aminin mo na sangkot ka sa kalakaran sa droga dito sa Pilipinas,’ at idawit ko si Peter Lim at si Leila de Lima para madiin na sila,’” sabi ni Espinosa sa pagdinig.
Nagbabala umano sa kanya si Dela Rosa na mangyayari rin sa kanya ang sinapit ng kanyang ama kapag hindi siya sumunod sa kautusan.
Binawi rin ni Espinosa ang pahayag nito laban kay De Lima – na isa sa mga basehan ng drug-related cases na inihain laban sa dating senadora.
Aniya, pawang kasinungalingan lamang ang kanyang mga pahayag laban kay De Lima na resulta ng paggigipit at pagbabanta sa kanyang buhay at pamilya.
Si De Lima ay nakulong ng pitong taon dahil sa tatlong count ng drug-related charges. Hunyo 2024 nang mapawalang sala si De Lima sa kanyang huling drug-related case.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment