Ruffa Mae Quinto inamin na magpahanggang sa ngayon hindi pa sila na nagkakaayos ni Jessa Zaragoza dahil kay Dingdong Avanzado

Comedian actress na si Ruffa Mae Quinto inamin na magpahanggang sa ngayon hindi pa rin sila nagkakaayos ng singer-actress na si Jessa Zaragoza.

Sa programang ‘Sarap Di Ba’ ng GMA-7, tinanong ni Carmina Villaroel ang aktres hinggil sa nakaraang isyu nito sa singer-actress na si Jessa Zaragoza. Napabalita kasi noon na nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil kay Dingdong Avanzado.



Sa nasabing programa, tinanong ni Carmina si Ruffa Mae kung nagkaayos na ba sila ni Jessa.

Kaagad naman itong sinagot ng aktres at sinabing hindi pa sila nagkakaayos. Hindi rin umano sila nagkaroon ng chance na magkita.


Dagdag pa niya, nakamove on na umano siya dahil pareho na rin silang pamilyado. Hindi man nagkaayos ng pormal, okay na umano ang lahat at wala nang dapat pang ayusin.

Saad niya, “Hindi kami nagkaayos, at wala nang dapat ayusin… nag-pass na, baka magalit na naman ako (biro ng aktres sabay tawa).”


“Hindi na kami nag-encounter basta move on na, saka may mga anak na,” ayon pa kay Ruffa Mae.

Kung matatandaan, ibinahagi ni Jessa Zaragoza sa isang panayam na hindi umano naging girlfriend ni Dingdong si Ruffa Mae kundi naka-date lamang.


Mariin niya ring itinanggi ang rumor na inagaw niya lamang si Dingdong sa comedian actress.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started