Roque, itinangging pagmamay-ari ang ni-raid na bahay sa Benguet

Pinasinungalingan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pagmamay-ari niya ang isang property na ni-raid sa Munisipalidad ng Tuba, Benguet kung saan nakatira ang isang Chinese na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Roque na ang bahay ay nakarehistro sa isang korporasyon.

Sinabi ni Roque na tinitirhan niya ang naturang bahay noong umalis siya sa pamahalaan.

Pero inamin ni Roque na may interes siya sa korporasyong nagmamay-ari ng property.

Nilinaw ito ni Roque kasunod ng mga alegasyon kung saan dalawang foreign nationals ang naaresto dahil sa pagkakaugnay sa POGO hub sa Bamban, Tarlac sa ikinasang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started