Kinumpirma ng mga kaanak ng beauty queen na si Geneva Lopez at ang Israeli boyfriend nito na si Yitchak Cohen ay ang mga naaagnas ng bangkay na natagpuan sa isang quarry site sa Sta. Lucia, Capas, Tarlac.
Ayon sa PNP, natagpuan ang mga bangkay matapos na isiwalat ng isang saksi.
Magsasagawa pa naman ng autopsies sa mga bangkay upang matukoy ang ikinamatay ng dalawa at kukuhanan din ng mga DNA ang mg abangkay.
June 21 ng huling nakita ang dalawa na sakay ng isang SUV patungo sa Capas upang tignan ang kanilang bibilhin na lupa.
May pito ng natukoy na persons of interest sa kaso kabilang ang isang pulis na tumatayong middleman sa lupa na nais sanang bilhin ng magkasintahan.
Labis naman ang pagdadalamhati ngayon ng mga kaanak at kaibigan ng dalawa.
📷 Li Dsc | FB

- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment