Beteranang aktres na si Teresa Loyzaga ipinagtapat na nalulong noon sa sa ipinagbabawal na gamot ang anak na si Diego Loyzaga.
Si Diego ay anak ni Teresa sa dating karelasyon na si Cesar Montano.
Sa panayam ni Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng aktres ang hinggil sa pagsubok noon kung saan kinailangan niyang ipasok sa rehab ang anak.
Taong 2018, mismong ang aktres ang nagdala kay Diego sa rehab dahil nalulong umano ito sa ipinagbabawal na gamot. Nagalit umano si Diego sa kanya pero iyon lamang ang paraan para maituwid ang landas ng kanyang anak.
Inamin ni Teresa ang pagkukulang sa anak. Napabayaan niya umano at hindi nabantayan dulot ng pagtatrabaho bilang isang single mom.
Ayon kay Teresa, “I think what the people do not know is I put him to rehab. I put him to rehab.
“He wasn’t himself then,” saad pa ng aktres.
“We have to understand na yung mga mahal natin sa buhay, kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila, binabastos ka nila. Hindi sila yon. Yun yong gamot.

Nung nawala lahat yon, bumalik yung anak ko. Then, naintindihan niya,” pagtatapat ng aktres.
Click this link to watch full interview: https://web.facebook.com/FastTalkGMA
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment