Babaeng isinako, natagpuan sa dayamihan sa Camarines Sur

NAAGNAS na ang katawan ng babae na nakalagay sa sako at itinapon sa isang palayan sa Pamplona, Camarines Sur.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nadiskubre sa Zone 9, Brgy. Poblacion nitong Biyernes ng hapon.

Base sa ulat, susunugin ng mga magsasaka ang dayami sa palayan nang makita nila ang sako.

Nang tingnan ang laman, halos masuka ang mga magsasaka nang bumungad sa kanila ang naaagnas na bangkay.

Ayon sa pulisya, wala nang makitang pagkakakilanlan sa biktima dahil nasa advanced state of decomposition na ang katawan nito maliban sa suot na denim pants at itim na t-shirt.

Patuloy na iniimbestigahan ang kaso

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started