Fetus natagpuan sa isang eskwelahan sa albay.

NATAGPUAN ang isang fetus sa banyo ng paaralan sa Daraga, Albay kamakailan.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng isang estudyante ang agas sa sahig ng banyo ng girls’ toilet.

Agad na rumesponde ang mga otoridad at dinala ang fetus sa Bicol Regional Hospital.

Napag-alaman sa pagsusuri na nasa 10 linggo pa lamang ang fetus.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng agas sa banyo.

Pinayuhan naman nila ang mga mag-aaral na “huwag munang pumasok sa isang desisyon na hindi kayang panindigan.”

#ThinkedTV

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started