Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Menardo de Lemos na nasa kustodiya na nila si Cedric Lee matapos itong boluntaryong sumuko sa kanila nitong Huwebes, Mayo 2, ng gabi.
Ito ay matapos ibaba ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang hatol na “guilty” laban kay Lee, ang model-girlfriend nito na si Deniece Cornejo, at mga kasamahang sina Simeon Raz and Frederick Guerrero, sa kasong serious illegal detention for ransom kaugnay sa naganap na pananakit kay Navarro.
Sa kasalukuyan, tanging si Guerrero na lang ang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sina Cornejo at Raz, na kapwa dumalo sa promulgation ng kaso, ay agad na dinala sa Women’s Correctional facility sa Mandaluyong City at New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa matapos ibaba ang hatol ng korte.

- JODI STA. MARIA CALLS MOTHER’S RECOVERY HER FAMILY’S GREATEST MIRACLE
- Puerto Rico crowned Miss Universe 2026,Bea Millan Windorski finishes Third Runner-up
- PNP, Nagsagawa ng Reenactment sa pinangyarihan ng pamamaril sa tatlong mag-anak sa Sipocot, Camarines Sur
- 3 miyembro ng pamilya sa Sipocot, Camarines Sur, nasawi sa pamamaril.
- San Fernando LGU, Clarifies P50 burial Aid Issue
Leave a Reply