Daniel Padilla isa sa nag mamay-ari ng J Castles Park

Mainit na pinag-uusapan sa online community ang theme park na J Castles Park. Mala-Disneyland umano ang dating nito kaya naman marami na ang nae-excite na ito ay mabisita.

Ang hindi alam ng marami, si Daniel Padilla ay isa sa mga nagmamay-ari nito. Sa katunayan, dito ginanap ang kanyang ika-29th birthday ng aktor nitong nakaraang araw, April 28.

Naglabas na rin ng promotional video ang J Castles Park kung saan mismong si Daniel Padilla ang endorser. Mapapanood sa nasabing video ang aktor na tila nananiginip at sa mga sumunod na eksena makikitang naroon na siya sa nasabing park.

Ang soft opening ng naturang parke ay ngayon araw, Mayo 1.

Narito naman ang mga attraction sa J Castles Park.

Photo by: JCastles and @Supremo_dp (Instagram)
THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started