Bong Revilla umapela sa kanyang tagasuporta na ipagdasal matapos maospital.

Umapela si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang mga taga-suporta ng dasal matapos Isinugod sa ospital dahil sa injured achilles tendon na kanyang naramdaman sa unang araw ng taping ng pelikulang “Alyas Pogi” na kanyang pinagbibidahan nitong Lunes, Abril 15.

“Na-MRI po ako kanina at sinabi ng doctor na 50 percent ng aking achilles heel ay na-tear…dahil sa pagtakbo. Sobrang bilis ko raw kasi po tumakbo,” pabirong sinabi ng Senador sa kanyang Facebook live.

“After the operation ‘yun healing time medyo matagal-tagal. Sabi ng doktor aabutin ng three to five months bago gumaling. Nakakainis!” dagdag ni Sen. Bong.

Aniya, magbibigay ng update ngayong Miyerkuels, Abril 18, ang kanyang doktor hinggil sa isasagawang operasyon sa kanyang paa matapos lumabas ang resulta ng blood test.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started