Hanggat maari daw ay ayaw ng gulo ng kampo ni Lenka at ng kanyang Management, dahil naisip nila na hindi naman magiging issue ito kung hindi biglaang sumikat ang ‘selos’. Ang melodiya nito kasi ay hango sa kanta ni Lenka na ‘Trouble is a Friend’
10,000 dollars ang kakaharapin sana ng AHS, produksyong may hawak kay Shaira dahil sa usapin ng copyright, ngunit kaunting damage lamang ang hiningi ng Australian production, bukod pa sa settlement ay ang napagkasunduang hating-kita sa mga bibili online ng kantang ‘Selos’ ni Shaira at sa mga gagamit ng kanta sa music-sharing ng Meta.
Dahil dito, pwedi ng pagtugtugin sa mga TV show sa Pilipinas ang kantang ito, matatandaan pinagbawalang makasama sa anumang TV broadcast ang kantang ito ngunit pinatunog at sinayaw pa ni Vice ganda sa kanyang noon-time show habang may gag-order.
Dahil rin sa KMJS, mas minahal ngayon si Shaira dahil panustos pala sa kanyang kolehiyo ang dahilan kung bakit s’ya nagsusumikap at panay kanta sa mga barangay at iba pang programa. At the end if day, pag-ibig ang namayani, kahit nagselos ang karamihan sa natamasang atensyon ng 22-year-old na si Shaira.
NOTE: Ang unang besyon ng ‘Selos’ ay may titulong ‘Pakadselos’ o sa tagalog ay ‘Sobrang selos’ na sinulat ni Krishna Ares Glang sa lengwaheng Maguindanaon Iranun language, unang kinanta ito ng isa ring Moro singer na si Norhana Ambulodto noong 2022.
Cover lamang ni Shaira Alimudin ang tinagalog na ‘Selos’ noong 2023 pero ito ang mas pumatok na naging laman ng mga tiktok, reels at vlogs.

- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment