Francine rumampa sa ASEA AWARDS sa Yokohama, Japan

Isa kasi siya sa mga napili upang mag-present ng parangal sa kauna-unahang Asia Star Entertainer Awards (ASEA) na ginanap sa K-Arena Yokohama sa Yokohama, Japan noong April 10.

Star-studded at punong-puno ng Korean stars ang awards ceremony na dinaluhan ng Tomorrow X Together (or TXT), Treasure, Billlie, Day6, Kwon Yuri of Girls’ Generation, Ok Taecyeon of 2PM, Stray Kids, The Boyz, at marami pang iba.

Spotted si Francine na rumampa sa red carpet ng event at talaga namang head-turner ang kanyang datingan na suot ang isang red tube gown na gawa ng fashion designer na si Anthony Ramirez.

Kung matatandaan, noong April 8 nang inanunsyo na magiging guest ang Pinay actress sa star-studded event.

Ang unang edisyon ng awards ceremony ay inorganisa ng South Korean media outlets na Newsen at Star1.

Noong Marso naman nang magkaroon siya ng collab with Seo at inilabas ang pop single na “My Love.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started