Talagang ayaw magpaawat ng binansagang “Queen of Bangsamoro Pop” na si Shaira Moro sa paggawa ng kanta kahit pa napakarami niyang bashers.
Matapos kasing alisin sa lahat ng online streaming platforms ang kanta niyang “Selos” dahil sa isyu sa copyright, naglabas ng panibagong kanta si Shaira na may pamagat na “Selos Na Yan Friend” nitong Biyernes, April 5, 2024.
Pero kung ang “Selos” ay patungkol sa pagseselos ng isang tao dahil may kasamang iba ang kanyang minamahal, ang bagong kanta ni Shaira ay tila patutsada naman niya sa mga bumabatikos sa kanya.
Sa umpisa kasi ng music video, makikita ang ilang kababaihan na tila nililibak si Shaira gamit ang mga negative comments na binabato kay Shaira ng netizens gaya ng “Queen of tempered glass”, “Queen of Bangsamoro pirated”, at “Queen of Copyright Plagiarism”.
Matatandaang ilan lamang ito sa mga tinawag ng netizens kay Shaira dahil pinirate o kinopya niya ang melody ng kanta ni Lenka na “Trouble Is A Friend”.
Lalo pang mahahalata na pinapatamaan ni Shaira ang kanyang bashers dahil sa makahulugang lyrics ng kanyang bagong tao.
Tulad ng, “Sa tuwing nakikita mong may mas angat sayo, Naiinis ka na’t nasisira ang araw mo” at “Ang puso mo’y nagdurugo at parang sumisikip ang dibdib mo sa tuwing makikita mong may mas angat sayo. At tila ba’y di ka masaya. Pag may tumataas, hinihila pababa. Oh, selos na yan friend at yan ang naging epekto.”

Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa pambabatikos ng netizens ang bagong kanta ni Shaira.
Ayon sa maraming netizens, maririnig pa rin umano sa kanta ang melody ng “Trouble Is A Friend”.
Bukod dito, nabanggit din ng ilang netizens na hango raw ang beat ng bagong kanta ni Shaira sa beat ng Indonesian ad na IndiHome Paket Phoenix.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment