Meteor shower at Comet, Masisilayan ngayong Abril.

Markahan na sa kalendaryo dahil masisilayan at magniningning sa kalawakan ang isang kometa ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magkakaroon ng meteor showers at comet ngayong buwan.

Ang Comet 12P/Pons-Brooks ay makikita sa April 21, at magliliwanag ito sa gabi.

Maaari ring gumamit ng 40 hanggang 50 millimeter aperture o maliit na telescope para makita ang kometa.

Samantala, pwedeng obserbahan naman ang Lyrid meteor shower mula sa kalawakan sa gabi ng April 14 hanggang 30, at maabot nito ang kanyang peak sa April 22.

Ang magandang oras na mapanood ang shower ay bago magbukang-liwayway kung saan 18 meteors per hour ang maaaring Makita.

Bukod dito ang π-Puppids ay magiging aktibo mula April 15 hanggang 28, at maaabot ang peak nito sa April 23.

Courtesy: DOST PAGASA

Photo source from Web

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started