Babaeng nakagat ng asong si Killua, Humihiling ng patas na imbistigasyon.

“Siguro kundi ako naano [natulungan] baka ako pa ang unang napatay kasi inaatake na ako ng high blood ko,” kuwento ni Cleofe.

Kuwento ni Cleofe, pauwi siya mula sa simbahan nang biglang sumalubong sa kanya ang dalawang aso sa kalsada. Ngunit, isang aso umano ang biglang sumalakay at kinagat siya sa paa.

Dahil sa sobrang takot, napilitan si Cleofe na dumapa habang pinalalayo ang aso hanggang sa dumating ang tanod na itago na lang sa pangalan na “Carlos.”

Sinabi ni Carlos na tinangka rin siyang habulin at kagatin ng aso at sinubukan na atakihin ang kanyang asawang tahimik na nakaupo sa mesa. Upang maiwasang makakagat pa ng ibang tao, hinabol ni Carlos ang aso sa kalye.

“Kung sasampahan ng kaso dapat busisiin munang maigi yung pangyayari,” ani ni Cleofe.

Si Carlos ay humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO) sakaling siya ay maharap sa anumang kaso kaugnay sa paglabag umano sa Animal Welfare Act.

Paliwanag ng pulisya, maaaring makulon ng anim na buwan hanggang isang taon, at may multang P1,000 hanggang P30,000, ang sinumang mapatutunayang lumabag sa Animal Welfare Act.

“Ano ang mas mahalaga kung yung [buhay ng] tao o yung aso?” tanong naman ni Carlos.
#ThinkedTV

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started