Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagpapabawi sa prangkisa ng Swara Sug Media Corp. na siyang nagpapatakbo sa Sonshine Media Network International (SMNI), ang broadcast network ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Apollo Quiboloy.
Sa botong 284 yes, 4 no, at 4 abstentions, inaprubahan ang House Bill 9710, binabawi nito ang prangkisa ng Swara Sug dahil sa umano’y pagpapakalat ng mali-maling impormasyon, paglilipat ng ownership na walang pahintulot mula sa Kongreso.
Inihain ang panukala ni 1-Rider Party-list Rodge Gutierrez matapos maglabas ang SMNI ng isang episode kung saan inakusahan ng anchor na si Eric Celiz si Speaker Martin Romualdez na gumastos ng higit 1 bilyong piso sa kanyang mga biyahe abroad, na kalaunan ay binawi ng naturang anchor.
Sinabi ni Gutierrez na ang pangre-red tag at pagpapakalat ng fake news ng SMNI ay patunay na paglabag sa prangkisa ng Swara Sug na ibinigay ng Kongreso noong 2019.

- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment