Pagpaslang sa Golden Retriever na si “Killua”, masusing iimbestigahan

Tiniyak ng Bato Municipal Police Station (MPS) na masusing iimbestigahan ang pagpatay sa 3-year old Golden Retriever na asong si “Killua”.

Nabatid nitong Marso 17, nag-trending sa social media ang hashtag #JusticeforKillua para panagutin ang suspek na pumatay sa aso na natagpuan na lamang walang buhay at nakasilid sa sako.

Sa isang panayam kay Bato MPS Chief of Police Major Ronald Brugada, siniguro nila sa publiko na sisiyasating mabuti ang kaso.

Aniya, tinutulungan nila ang complainant sa paghahain ng reklamo laban sa suspek.

Bukod dito, sinabi rin ni Brugada, na malaking tulong ang nag-viral na video kung saan inilahad ng suspek kung paano niya ginawa ang pagpatay sa aso.

Bukod sa pulisya, humingi na rin ang suporta ng pamilyang may-ari ng aso mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Sa isang panayam naman kay PAWS Executive Director Anna Cabrera, mayroong tatlong element ng self-defense ang wala sa sitwasyon: Unlawful Aggression; Reasonable Necessity; at Lack of Provocation sa parte ng taong dinedepensahan ang sarili.

Katwiran ng suspek, kaya niya pinatay ang aso sa pangambang baka makakagat pa ito ng ibang tao.

Sa ilalim ng Animal Welfare Act of 1998 na inamiyendahan ng Republic Act 10631, ang sino mang mapapatunayang gumawa ng kalapastangan sa mga hayop ay mapaparusahan ng pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon, o multa na hindi lalagpas sa 100,000 pesos.

Photo of Vina Rachelle Arazas
THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started