Kim Rodriguez at Nikko Natividad, pagpasok sa FPJ’s Batang Quiapo.

Photo Courtesy : Kim and Nikko (Instagram)

Magdadagdagan ng mga karakter ang loaded at bigating cast ng nangungunang primetime series ngayon na FPJ’s Batang Quiapo sa pagpasok nina Kim Rodriguez at Nikko Natividad.

Ito na ang ikalimang Kapamilya project ng dating Kapuso talent matapos ang “Mars Ravelo’s Darna”, isang episode ng “Love Bites” sa YouTube, iWantTFC digital series na “Fractured” at afternoon series na “Nag-aapoy Na Damdamin”. Unang proyekto rin ito ni Kim sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

Nauna nang nabanggit ni Kim na isa rin sa pangarap niya ang makatrabaho si Coco.

Dati nang nakasama si Nikko sa isang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin. Gumanap siya bilang si Bong sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2018. Huling Kapamilya project naman ng “Gandang Lalake” grand winner ang “Init Sa Magdamag” ng Star Creatives noong 2021 at iWantTFC series na “Misis Piggy”. Kasama din siya sa international series na “Cattleya Killer” noong isang taon. Naging bahagi din siya ng Viva Artists Agency mula 2022.

Muling napanood ng mga Kapamilya si Nikko sa Valentine comedy flick na “I’m Not Big Bird” na comeback project naman ni Enrique Gil, habang nagpapatuloy din ang isa sa pioneer #Hashtags members sa pagbibigay-aliw sa social media lalo na sa TikTok.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started