Rapper, namaril sa isang hotel sa Cebu City.

Sa kulungan ang bagsak ng rapper na bumaril sa isang dayuhan sa Brgy. Lahug, Cebu City Linggo ng umaga.

Nadakip si Range 999 (Jed Andrew Salera sa totoong buhay) apat na oras matapos ang insidente, sabi ng pulis.

Nagtamo ng tama ng bala sa balikat ang biktima na si Michael George Richey

Ayon sa ulat ng pulisya, pumasok sa hotel compound si Salera alas-6:30 ng umaga sakay ng SUV saka pumarada sa harap ng bar.

Sinabi ng mga saksi na nilapitan ni Richey ang suspek. Agad binuksan ni Salera ang pinto ng sasakyan at pinaputukan ang biktima bago sumibad palabas.

Nasakote ang suspek sa Sunshine Valley, Brgy. Quiot Pardo makaraan ang ilang oras.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

Para sa ibang chika bumisita sa http://www.thinkedtv.video.blog

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started