Lalaki sa Tigaon Camarines sur, Sinaksak dahil sa utang.

Photo Courtesy : Tigaon Mps

Dahil sa hindi nababayarang utang na nagkakahalaga ng 200 piso, sugatan ngayon ang isang 28 anyos na lalaki matapos itong pñundayan ng saksak sa Tigaon, Camarines Sur pasado alas -12 ng madaling araw kanina Marso 15, 2024.

Ang biktima ay kinilalang si alyas “Dante” habang ito’y nagduduyan sa kanilang bahay sa Barangay Salvacion, Tigaon, Camarines Sur.
ng suspek na kinilalang si alyas “Rico”.

Ayon sa ulat, Lumalabas na bago ang pananaksak ay sinisingil umano ng suspek ang biktima sa utang nitong P200.00.

Nang hindi ito makapagbayad ay dito na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima para sa atensyon medikal.

Patuloy ngayon na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na agad na umiskapo matapos ang krimen.

Para sa ibang regional news bumisita sa :www.thinkedtv.video.blog

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started