Rosmar namakyaw ng mga alahas kay Boss Toyo.

UMABOT sa P1.25 milyon ang gold jewelry na binili ng social media personality at entrepreneur na si Rosmar Tan sa shop ni Boss Toyo.

Sa “Pinoy Pawnstars” channel ni Boss Toyo sa YouTube, makikita si Rosmar na pinakyaw ang mga kuwintas at bracelet na nakadispley sa tindahan.

Ibinida ni Rosmar ang resibo ng pinamili niya na umabot sa halagang P1,250,000.

“Tinoyo na naman ako maghoard ng gold,” chika niya.

Halos mawindang naman si Boss Toyo sa paandar ng CEO ng Rosmar Skin Essentials dahil nasimot nito ang mga makakapal na gold chain niya.

(Rosemarie Tan Pamulaklakin/Facebook)

Para sa iba pang showbiz chika, bumisita sa http://www.thinkedtv.video.blog


THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started