Aubrey Miles nakabili ng mga ari-arian dahil sa halaman.



ILANG arian-arian ang naipundar ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero dahil sa kanilang halaman na nabili ng aktres sa halagang P1 milyon.

Sa panayam ni Boy Abunda sa “Fast Talk,” isiniwalat ni Aubrey na naging plantita siya noong pandemya.

Chika ni Aubrey, malaki ang kinita niya sa isa sa mga halaman niya mula sa Brazil na tinatawag na “spiritus sancti.”

“From Brazil kasi siya, from the rainforest na very rare. Hindi mo siya mahahanap na kung basta, na binebenta sa mga ganito. Kailangan mo talaga siyang i-hunt,” kuwento ng aktres.

Hirit niya, dahon ang bentahan nito.

“Kung binili ko ‘yun ng 1 million, go-grow ko lang siya. Benta ko ng 300 (thousand), tapos ‘yung isa 200 (thousand). Mga ilang leaves lang ‘yun a. Mga two, ganyan,” aniya.

Sa laki ng kinita nila sa isang halaman na iyon, lahad pa ni Aubrey, ay nakabili sila ng ilang mga ari-arian.

(Aubrey Miles/Instagram)

Para sa iba pang showbiz chika, bumisita sa http://www.thinkedtv.video.blog

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started