DAR CAMSUR, NAGSIMULA NG IMBESTIGAHAN ANG PAGBABAKOD SA SIRUMA

Nagsimula ng imbestigahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Camarines Sur II ang kontrobersiyal na pagbabakod ng Wanderlust Land Development Corporation (WLDC) na pagmamay-ari ng pamilya ni Gov. Lray Villafuerte Jr sa mga lupaing sakop ng Brgy. San Ramon, Salvacion sa Daldagon Peak sa bayan ng Siruma, Camarines Sur.

Nanguna sa team ng DAR Camarines Sur na pumunta sa lugar si Chief Legal Officer Atty. Ramon SG. Cabañes, Jr. at OIC–Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Rodel C. Martirez na personal na tinungo ngayong araw Pebrero 10, ang lugar upang masuri ang aktuwal na kalagayan ng isinasagawang pagbabakod at ang posibleng magiging epekto nito sa mga benepisyaryo ng DAR CLOA.

Sa larawan makikitang nakipagpulong ang mga opisyal kay Brgy. Capt. Bauel Arevalo ng San Ramon at kinonsulta ang mga ARBs na maaaring maapektuhan ng isyu.

Tiniyak ng DAR ang pagbibigay ng tulong-legal at patuloy na suporta sa lahat ng maaapektuhang benepisyaryo, alinsunod sa opisyal na mga rekord at umiiral na batas sa agrario.

Kasama din na pumunta sa lugar ang mga tauhan ng PNP upang matiyak ang siguridad sa inspeksyon.

Courtesy DAR-CamSur

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started