
MANILA — Umani ng buzz online si Kapuso actor Alden Richards matapos niyang ibahagi sa social media ang kahulugan ng salitang “kuracaught,” kasabay ng patuloy na pag-igting ng galit ng publiko laban sa umano’y iregularidad sa mga flood-control projects ng pamahalaan.
Sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules, Setyembre 10, 2025, muling ipinost ng aktor ang isang art card na naglalarawan sa termino bilang: “Isang tiwaling opisyal o indibidwal na nahuli sa aktong gumagawa ng hayagang katiwalian at paglustay ng pondo.”
Ang post ni Alden ay agad na pinag-usapan online, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at paghanga sa aktor dahil sa kanyang “matapang na pagpapahayag” laban sa katiwalian.
📷 Instagram/Alden Richards
#ThinkedTV #ShowbizNews #entertainmentnews
Leave a comment