Toni Fowler binida ‘baby boy’ nila ni Vince Flores

Toni Fowler /ig

Ipinanganak na ni Toni Fowler ang healthy baby boy nila ng kaniyang partner na si Vince Flores.

Noong Nobyembre 6, ibinahagi ni Toni social media ng isang selfie na kinunan matapos niyang ipanganak ang kanyang anak.

Ayon sa social media influencer, pinangalanan nila ang kanilang anak na “Tyronne.”

Makikita rin si Baby Tyronne sa litrato na kuha sa ospital. Gayunpaman, tinakpan ng celebrity mom ang mukha nito ng blue heart emoji.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nagpaabot ng kanilang pagbati. Narito amg kanilang komento:

“Congrats Mommy Oni. Welcome baby
Tyronne..Hay excited na sa next reality video sa Saturday.”

“Congrats @tonifowlerpo &@titovinceflores praying po for your quick recovery Mommy
Oni!”

“Yey welcome to the world tyrone, can’t wait sa sabado hehe, congrats po mommy oni and Tito vince.”

“Congrats Mami oni and Tito Vince welcome baby TYRONNE.”

#ThinkedTV #entertainmentnews

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started