Denipensahan ng mga fans ng Unkabogable Star Vice Ganda ang diumano’y panggagaya ng kanyang speech kay Darryl yap. Matatandaan ito ang speech ni Vice Ganda na pinerform sa paglipat ng Its Showtime sa GMA 7.
Isang content creator na nag ngangalang Lolito Go ang nagbahagi sa social media ng clips ng performance ni Vice Ganda sa Its Showtime kalakip nman nito ang clips ng monologue diumano ni Darryl Yap noong 2020.
Ang nasabing pagtatanghal ay kasabay narin ng pagcelebrate ni Vice ganda ng kanyang kaarawan na kung saan itinuturing ng Unkabogable na isang pinaka magandandang regalo sa kanya.

Samantala ang nasabing post ni Lolito Go ay nagbigay ng usapin ngayon sa social media, ayon sa kanya tila may pagkakahalintulad diumano ag monologue ni Vice Ganda sa monologue ni Darryl Yap.
Ayon pa sa kanya tila binalasa lang umano ang mga salita pero diumano magkakapareho ang nais ipahiwatig o ang mensahe.
PAHAYAG NI LOLITO GO :
“Ipahinga na natin ang isyung Shaira vs. Lenka. Ito na ang bagong issue. Vice Ganda, nangopya ng speech kay Darryl Yap?
Kahapon, kinabog ni Vice Ganda ang madlang pipol sa opening salvo nya sa debut episode ng It’s Showtime sa GMA7. Napanood ko yun nang live at hindi ko maiwasang mapansin yung semblance nito sa isa sa mga paborito kong piyesa ng kaibigan kong direktor.
Here’s my take.
“1. Panoorin nyo nang buo yung side-by-side comparison sa dalawang speeches. Unmistakable yung resemblance ano? Binalasa lang yung mga salita pero almost the same ang thoughts, delivery, pati yung heroic music almost identical.
Ayon pa sa kanya, kaya lang ba umano Vice lang sya dahil pangalawa lamang, hindi umano ito maganda lalo pa itinuturing na historic ang pagtawid ng kanilang programa sa GMA7.
Aminado naman ito na talagang self made si Vice Ganda kaya naman hindi talaga maitatanggi na sunod sunod ang mga malalaking endorsements nito at patuloy parin ang pag laki ng kanyang pangalan sa mundo ng showbiz.
Pero dahil diumano sa kakulangan ng oras ay posibleng nangailangan na ito ng tungkol ng kanyang team, kaya posibleng hindi na si Vice Ganda ang nagsulat ng kanyang speech.
Kung sino man umano ang nagsulat ng speech ni Vice Ganda ay paniguradong napanood nito ang monologue ni Darryl Yap noong 2020 na ‘Buo’ dahil maging ang pacing at theatrics nito ay kuhang kuha.
“2. Kaya ba “Vice” lang sya? Pumapangalawa lang, sumesegunda? Hindi magandang pambungad ito para sa historic na pagtawid-bakod ng Showtime sa GMA7.
“3. In fairness, Vice Ganda (Jose Marie Visceral in real life) rose to fame because of her wit, originality and spontaneity. Self-made sya and no one can argue against that fact. And because of her charm and chutzpah, she has grown bigger and bigger in time. Hindi na mabilang ang projects and endorsements. I can only guess na hindi na kaya ng oras nya ang magmultitask; she would need a team. Which can also mean na baka hindi na sya ang nagsusulat ng ibang speeches or sketches nya.
“4. Whoever wrote Vice’s monologue can’t convince me na hindi nyo napanood ang monologue ni Darryl Yap na “Buo” na 2020 pa nabuo. Kuhang kuha kasi pati yung pacing, yung theatrics. Kung may writer nga si Vice, maybe it’s time to do some auditing. Baka kasi marami nang iba pang ginagaya, nakakalusot lang. Pero kung si Vice mismo ang sumulat nito, I would assume that she secretly admires the work of Darryl. Maybe it’s just a case of “cryptomnesia.” Heto ang sabi ni Wikipedia about it: “Cryptomnesia occurs when a forgotten memory returns without its being recognized as such by the subject, who believes it is something new and original. It is a memory bias whereby a person may falsely recall generating a thought, an idea, a tune, a name, or a joke; they are not deliberately engaging in plagiarism, but are experiencing a memory as if it were a new inspiration.”
Samakatwid, hindi naman nya umano maitatanggi na posibleng nagkataon lamang ito, dahil may mga pagkakataon na pareho lang an mensaheng nais ipabatid sa publiko dahil marami din naman umanong pagkakatulad si Darryl Yap at Vice Ganda.
DAGDAG PA :
“5. Of course I don’t discount the possibility na coincidence lang ito. Freak coincidence. However slim the chances are, pwede pa ring nagkataon lang talaga ang lahat. Nagkataon lang na parehas ng content, parehas ng delivery, parehas ng pacing, parehas ng theatrics, parehas ng music. Almost parehas pa nga ng boses eh.
“6. Well, marami rin naman talagang pagkakaperahas sina Darryl at Vice. Parehas silang galing sa LGBTQIA community. Parehong nanggaling sa hirap. Parehong mapagmahal sa kaibigan at pamilya. Parehong nakatanggap ng maraming rejections. Parehong witty, funny at gutsy. Parehong opinionated. Parehong kayod kalabaw. (Or kabayo.) Parehong bumangon at nagpakabuo. Parehong nagtagumpay. At baka dahil sa mga pagkakaparehong ito, may tendency rin talaga na iisa lang ang maging tenor ng mga talumpati nila. Iisa ang hugot, iisa ang baon.
Pero paglilinaw ni Lolito Go kung maituturing ba na plagiarism ang ginawa ni Vice? para sa kanya ay hindi umano dahil makikita naman na hindi naman ito kopyang kopya maging sa mga salitang ginamit ay magkakaiba .
Hindi nya umano inaakusahan ng pangongopya ang Unkabogable Superstar dahil tanging idea at concept lang umano ang ginaya dahil ang mgha ito ay sa pagkakaalam nya ay hindi protektado ng copyright.
PAGTATAPOS PA NYA :
“7. So balik tayo sa tanong. Nangopya nga ba si Vice kay Darryl? Kung ako ang tatanungin, mahirap sagutin yan. Pero plagiarism ba, copyright infringment? Of course not. Hindi naman kopyang kopya ang mga kataga. I wouldn’t go as far as accusing Vice Ganda or her writers of plagiarism. Idea or concept lang naman ang ginaya. And I know very well na ideas and concepts are generally not protected by copyright. Copyright protects the specific way an idea is expressed, not the underlying idea itself. This means that two different people can have the same idea, but as long as they independently create their own original expression of that idea, there is no copyright infringement.
“Wala ngang copyright infringement, walang krimen. But just because it isn’t criminal doesn’t mean it’s not unethical. Unethical pa rin ang mangopya ng idea. Kung manggagaya, magpaalam sa pag-gagayahan. O kaya naman, give proper credits. Ano lang ba yung ilagay na “inspired by?”
“8. Sa kabila ng lahat, I still believe that Vice does great in her own league. At iba rin ang liga ni Darryl. Bakit hindi na lang sila magcollab?
Leave a comment