Kantang SELOS ni Shaira magbabalik na, pinayagan na ni Lenka

Naglabas ng video ngayon ang singer ng Selos na si Shaira upang ipaliwanag at sagutin ang ilan sa mga pambabatikos na nakukuha nya matapos sabihan sya bilang copyright queen dahil umano sa paggamit ng kanta ni Lenka ng walang paalam.

Sa mga kapwa Pilipino na tumatangkilik umano ng kanyang kanta ay kakaibang saya umano ang naibibigay nito sa kanya lalo pa umano kapag maraming mga Pilipino ang gumagamit ng kanyang kanta upang gumawa ng sayaw.

Ayon pa sa kanya, noong panahon na nirelease nila ang kanta ay hindi umano sila umaasa na papatok ito sa publiko dahil sino ba naman sila diumano at isa lang umano syang babaeng bangsamoro na hilig lamang ilabas ang hiling sa pagkanta

PANIMULA NI SHAIRA :

“magandang araw po sa ating lahat, ako po si Shayra ang nasa likod kantang selos siyang nagpasaya sa karamihan sa inyo. Una po sa lahat ay aking pasasalamat sa aking mga kapwa pilipino na itinangkilig at pinagmalaki ang aking mga kanta.

“Hindi niyo po alam kung anong klaseng saya ang ibinigay niyo sa akin. Sa tuwing napapanood kung sumasayaw kayo sa aking tugtog o ‘di kaya ay napapakinggan ko. ang inyong sariling rendisyon ng selos, noong nilabas po namin ang kantang ito ay hindi po namin inaasahan na papatok ito, lalong-lalo na sa mga kapoa naming na taga-Luzon and Visayas. naisip ko, sino ba naman ako? isang dihawak na babaeng bangsamoro nais lamang ipalabas ang kanyang hilig sa musika.”

Napakalaki umano ng kanyang pasasalamat dahil sa pagviral ng kanyang kanta ay maraming oportunidad ang nagbukas para sa kanya pero sa kabila nito ay kaakibat din ang sunod sunod na problema.

Aminado ang kampo ni Shaira na ang kanyang kanta ay hango lamang sa kanta ni Lenka ngunit sobrang nasasaktan diumano sya sa mga nababasa nya sa social media dahil imbis na iangat sya ay pakiramdam nya hinihila pa sya pababa.

DADGAD PA NI SHAIRA :

“kung kaya, napakalaki po aking pasasalamat ngayon dahil napakadaming oportunidad ang nabuksan para sa akin mula ng.,, makilala ang kantang selos, pero sa kabila ng saya,

“hindi po namin maiiwasan na magkaroon ng problema, lalo na at aminado naman po ako, nahango lang po sa ibang kanta ang melodiya na ginamit para sa aking awitin, kung minsan ay nasasaktan ako sa mga nababasa kong comment sa facebook kung saan parang nararamdaman ko na para akong nahila pababa,”

Imbis umano na makaramdam sya ng suporta sa katulad nya na local artist ay puro panlalait ang natatanggap nito at may mga nagsasabi pa na baka hindi na umano sya makakabangon dahil sa posibleng kaso na ibigay sa kanya.

Sa kabila ng mga pambabatikos, pinili umano ng grupo ni Shaira na manatiling tahimik at lawakan pa ang pang unawa at gawin nalang inspirasyon ang lahat ng negatibo para makagawa pa sila ng mas produktibong bagay.

PAHAYAG PA :

“imbiss na maramdaman ko ang kanilang suporta, may mga nagsabi pang baka hindi na ako makabangon dahil sa kaso… ang sinampa ng original artist silenka laban sa akin sa tulad kong isang local artist na baguhan pa lamang sa kalakaran ng musika

naging leksyon po sa amin ang mga naturang pangyayari gayon pa man sa kabila pambabatikus na pinupukol sa amin ay pinili naming manahimik dahil ayaw naming ipumaba pa ang mga isyu at maging sanhipan di pagkakaunawaan

“bawat isa kaya humihingi lang po kami ng konting pang-unawa na lahat po ng negatibong opinyon at komento niyo sa amin ay nagsisilbing paalala at gasolina upang mas lalo pa naming pag-igihan ang aming mga ginagawa.”

Para umano malinawan ang lahat, hindi umano nagkaso sa kanila ang kampo ni Lenka bagkus nakipag usap sila sa mahinahon na paraan at muli silang nagkaroon nang kasunduan na muling ilalabas sa publiko ang kantang SELOS.

Abangan umano ang pagbabalik ng kantang SELOS sa mga online streaming platforms at sabay sabay umanong pakinggan at sanay maging masaya na lamang umano ang lahat dito.

DAGDAG PA :

” at para maliwanagan ang lahat tungkol sa issue na ito gusto ko naman pong ipaalam na wala pong kasong isinapalaban sa amin sa katunayan naging mahinahon at mapayapa ang pag-uusap namin kampo ni Lenka at nauwi mo ito sa pagkakaroon kasunduan hingil sa pamamaraan na muling paglabas kanta sa mga online streaming platforms

“at ngayon nga nais kong ihayag sa inyong lahat na malapit na po naming ibalik sa mga streaming platforms ang kantang selos kasabay na din po ng iba pang kanta aming produksyon, muli po natin mapapakinggan at masasabayan ang kantang selos,

sana po ngayon ay maging masaya na lamang po tayo dahil hindi lang naman po ito para sa akin, para din po ito sa mga kapwa ko Bangsamoro  at sa mga kapwa kong pilipino,”

Muli nagpapasalamat si Shaira sa lahat ng nagtitiwala sa kanya at maging sa produksyon, bukod pa dito nagbigay naman ng personal na mensahe si  Shaira kay Lenka dahil sa pagpayag nito na gamitin ang melody ng kanyang kanta at muli itong ilabas sa publiko.

PAGTATAPOS NI SHAIRA :

“nagpapasalamat po kami sa lahat ng nanatiling matibay ang paniniwala at suporta sa akin at sa aming produksyon, sa mga kumontak na nais mag-abot ng tulong hingil sa mga isyu, sukran salamat po talaga,

“lalong-lalo na sa mga tunay na kaibigan kamag-anak laging nandiyan at nagpakita ng concern sa akin sa ahs production family ahs legal team, board at mga kaibigan na.. tumulong para maayos ang busot na ito. Maraming maraming salamat sa inyo.

“Finally to my idol Miss Lenka, I want to express my deepest gratitude to you and to your team for allowing me this opportunity. Thank you for the smoothest transaction that we had with your team.

“It was truly honor to have been communicating with international companies such as yours. I am and will always be one of the artists that I look up to and I hope that… the day will come when i feel finally get to meet you again, thank you very much, maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started