Usap-usapan ngayon sa social media ang naging sagot ng aktor na si Albie Casiño tungkol sa tanong sa kaniya kung nakiramay ba ito sa pagkamatay ni Jaclyn Jose.
Natanong kay Albie Casiño ang tungkol kay Jaclyn Jose sa media conference ng pelikulang “Kasalo” noong March 23, 2024 dahil ito ang ina ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann pero tahasang sumagot si Albie na hindi siya nakiramay at kahit dumalaw noon sa burol ni Jaclyn ay hindi niya ginawa.
“Nakiramay ka ba nang mamatay si Jaclyn Jose?” tanong sa kaniya ng reporter.
Sagot ni Albie :

Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado dun,
“I don’t think my presence would be welcome there so ba’t ako makikiramay, di ba?
Kung matatandaan, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi naging maayos ang relasyon ni Andi at Albie dahil napagbintangan ang aktor na siya ang ama ng panganay ng aktres na si Ellie.
Hanggang sa lumitaw ang katotohanan na si Jake Ejercito pala ang ama ng panganay ni Andi, dahil dito nagsimulang nadungisan o masira ang imahe ni Albie bilang aktor at nakatanggap ng batikos mula sa madlang pipol.
Leave a comment