Kasalukuyang binabatikos ng netizens ang female cover group na 4th Impact matapos nilang humingi ng tulong para sa 200 nilang aso.
Noong February 28, gumawa ng GoFundMe page ang panganay ng grupo na si Elvira, na naglalayong makalakap ng $10,000 o mahigit ₱550,000 para sa relocation ng kanilang 200 shih tzu. Kaagad naman itong ibinahagi ng kapatid niyang si Mica.
Ayon sa description ni Elvira sa GoFundMe, nagsimula lamang sa lima ang kanilang shih tzu subalit dumami na ang mga ito sa 200. Nagrereklamo na rin umano ang kanilang kapitbahay sa ingay ng kanilang mga aso. Dahil dito ay kinailangan na nilang ilipat sa mas malawak na lugar ang mga alaga.
Hindi nakapagpigil ang mga netizens at kaagad na pinuna ang grupo. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:
“Pinaabot sa 200 yung mga aso niya tapos ngayon, nanghihingi siya ng donations kasi nagrereklamo na kapitbahay niya and she needs to rehome them or buy a farm. Malamang sis????? Why did you let them reach 200 in the first place????”
“As a dog owner myself. (Actually DOGSSSS), you must be responsible sa pag aalaga ng pets nyo. Imagine may 100++ kayong aso pero di nyo naisip na pagawan muna sila ng maayos na place na walang mabubulabog.”
“So you’re telling me you didn’t spay your dogs and let it reach 200. And now you’re asking for funds so you can buy a place for them? This is simply irresponsible pet ownership! It’s ridiculous!”
“Di nila narealize na negligent sila and may grounds for animal cruelty na yung paulit-ulit na nag i-inbreed dogs nila. They would’ve prevented that kung ipinakapon nila mga aso in the first place.”
“Ang kapal ng 4th impact ,200 breed dogs pinang hingi pangbili ng farm land para daw maka lipat sila..gofund me is targeted for $10k..irresponsible pet owners..nakapag Eras tour concert pa nga [sila sa US].”
“Ang pagpaparami ng mga alagang hayop through ‘mating’ sa sariling bahay na walang kaukulang permit ay tinatawag na “backyard breeding” at ito po ay illegal. Lalo na kung ang mga ito ay ibinebenta o pinagkakakitaan [Animal Walfare Act or RA 8485].”
Sakaling mapatunayang lumabag sa RA8485 ang 4th Impact, maaari silang makulong ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon o/at pagmultahin ng mula ₱1,000 hanggang ₱5,000.

Leave a comment