IIMBESTIGAHAN ng Australian police ang ama ng American singer-songwriter na si Taylor Swift dahil sa umano’y pananakit nito sa isang photographer.
Ayon sa naglalabasang ulat, nagreklamo ang nagngangalang Ben McDonald laban sa ama ng American singer matapos siyang saktan umano nito noong Martes ng madaling araw.
Police have been told a 71-year-old man allegedly assaulted a 51-year-old man at Neutral Bay Wharf about 2:30 am (1530 GMT Monday), before leaving the location,”saad ng police spokesperson na si Alicia McCumstie sa isang pahayag.
Ayon kay Ben McDonald, ang ama ni Taylor na si Scott Swift ang umano’y nanakit sa kanya.
Matatandaang katatapos lang ng Eras Tour ng US Pop icon sa Sydney, Australia.
Ayon kay Ben, kinukunan raw niya ng larawan ang US pop icon sa isang “super yacht” sa Sydney Harbour matapos ang huli niyang four gigs sa Sydney.

Leave a comment