Xian Gaza, engaged na sa kanyang Thai nat’l girlfriend

It’s official! Engaged na ang “Pambansang Marites” ng Pilipinas na si Xian Gaza.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Xian ang larawan niya na nakaluhod sa harap ng kanyang Thai nat’l girlfriend na si Surirat Dasri.

Nag-propose si Xian sa Marina Bay Sands sa Singapore.

Sa caption ng kanyang post, ipinahiwatig ni Xian na kung magpapadaig siya sa takot dahil sa mga nangyayari umanong hiwalayan, hindi niya umano mararanasan ang tunay na kaligayahan.

Aniya :

“kung palagi na lang akong matatakot sa mga nangyayaring hiwalayan eh ‘di hindi ko na mararanasan ang tunay na kaligayahan”

Samantala, sa kanyang proposal video, inamin ni Xian na noon akala niya ay papel lamang ang pagpapakasal.

Pero nang makilala umano niya ang kanyang girlfriend, nagbago umano ang kanyang pananaw.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started