Hindi na lang mga second-hand bag at sapatos ang inilalako ni Kapuso actress Carla Abellana sa kanyang online shop, idini-dispose na rin niya ang ilang mga appliances na hindi na niya ginagamit.
Kabilang sa mga “fresh drops” sa Carla Angeline Closet ang chest freezer, washing machine at microwave oven.
Todo-pasalamat naman ang “Stolen Life” actress dahil naging mabili ang kanyang mga tinda dahil na rin aniya sa tulong mga bashers.
(Carla Abellana/Instagram)

Leave a comment