Ibinasura ng Ombudsman ang mga reklamong murder at grave misconduct laban kina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang, Jr. dahil sa “lack of probable cause.”
Matatandaang inihain ni suspended BuCor chief Gerald Bantag ang reklamo laban kay Justice Secretary Remulla bilang utak sa likod ng pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.
Samantala, sinampahan din ni Bantag ng reklamo si Catapang matapos nitong ipagutos umano ang paglipat ng ilang preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kasalukuyan pa ring nagtatago sa batas si Bantag sa kabila ng warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa kanya kaugnay sa nangyaring pagpaslang kay Lapid.

Leave a comment