It’s 14 years Madlang Pipol

ON THIS DAY: 24 OCTOBER 2009

Labing-apat na taon na ang nakaraan, inilunsad ng ABS-CBN ang “Showtime”, isang morning program kung saan binibigyan ng pagkakataon ang “madlang pipol” na magpasikat at magpakita ng kanilang galing at talento.

Humalili ang “Showtime” sa timeslot na iniwan ng “Pilipinas Game KNB” at umeere bago ang mga dating noontime show ng Kapamilya Network na “Wowowee”, “Pilipinas Win na Win” at “Happy Yipee Yehey”. Minsan na rin lumipat sa noontime ang Showtime noong panahon ng Win na Win na nalipat sa early afternoon slot, at naibalik naman sa morning slot para bigyang-daan ang HYY.

Ang nagsilbing pioneer hosts ng “Showtime” ay sina actor-comedian Vhong Navarro, actress-host Anne Curtis , longtime Kapamilya resident weatherman at trivia king at ngayo’y Kapuso Kuya Kim Atienza, at rock icons na sina Jugs Jugueta ng The Itchyworms at Teddy Corpuz ng Rocksteddy. Idinagdag rin sa nasabing programa ang stand-up comedian na si Vice Ganda na nagsilbi noon na “bugoy” ng grupo o tagabigay ng kulit at saya at hurado na “unevictable”. Sa mga sumunod na season, naging co-hosts na rin sina Karylle at Billy Crawford.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang audience na bumoto kung sino para sa kanila ang hurado na gusto nilang maging “burado” o hindi na makakabalik bilang hurado. Ilan sa mga pinakamatagal na naging hurado ay naging co-host na rin gaya nina Jhong Hilario , Ryan Bang , Eric Eruption Tai, Amy Perez at Coleen Garcia.

Agad nakuha ng “Showtime” ang kiliti ng masa dahil ma rin sa naiibang klase ng entertainment at ang pagbukas ng pinto sa mga grupo ng performers na ipakita ang kanilang galing. Ilan sa mga grupong nakilala sa Showtime ang XB Gensan, Laoag City Gymnastics Group, True Colors, Astig Pinoy at CCP Bobcats.

Dumaan rin ang Showtime sa unos, na sumubok sa katatagan ng palabas, gaya ng ilang beses na suspensyon dahil sa insidente ng kritisismo ng ilang naging hurado sa mga contestant at audience, ngunit nalagpasan naman iyon at nagpatuloy sila na magpasikat at magbigay ng saya.

Matapos ang dalawang taon bilang “morning show”, pansamantalang namaalam ang Showtime noong January 28, 2012. At noong February 6, 2012, nagbalik sila bilang isang “noontime show” na magpahanggang ngayon ay itinataguyod ang talento ng Pilipino, pagbibigay ng pag-asa sa nangangailangan, at nananatiling totoo sa kanilang motto na “making people happy”, ang It’s Showtime

At sa paglipas ng panahon may ilan man nagpaalam meron din naman mga nadagdag sa programa ito nga ay sila Jackie Gonzaga Cianne Dominguez Ion Valdez (Ion Perez) at ang Comedy duo na sila MC Muah at Reginald Lassy Marquez

Ngayon nga ay muli nga na namang humarap sa pagsubok ang programa matapos sumailalim sa Dalawang linggong suspension na ipinataw sa kanila dahil na naman sa mga kritisismong kanilang natatanggap

At sa kanilang pagbabalik sa Sabado October 28 bukod sa Mini Miss U Grand Finals asahan ding may inihanda silang pangmalakasang Opening Production para sa lahat ng madlang People

WeMissYouItsShowtime

ShowtimeWillBeRightBack

14yearsWithShowtime

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started